Protected: Kabado at Nalulungkot

July 25 2007 - Wednesday - 5:10 pm

Natatakot ako, sobrang balisa at sobrang nagwawala ang utak ko na umatras na ako sa mangyayari bukas ng umaga. Takot ako sa kahit anong opera, mapa laser man ito o ano pa. Dahil narin siguro di ako sanay sa hospital (kahit suki na nila ako dati pa, di talaga ako natutuwa pag ako ang pasyente).

Kabado ako dahil maliit pa naman ang anak ko para maintindihan kung anong mangyayari (isang kiss at hug for mommy, solb na sana kaso gets kaya nya?) at ung isang taong gusto kong karamay habang mangyayari ito hindi ko macontact. Takot akong tawagan sya, dahil di ko rin alam ang sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nya. Hindi ko alam kung may pakialam sya. Punyemas. Kabado na nga ako, lalo pa akong kabadong i-approach sya. Teka para naman akong mamamatay nito. Wag nyo isipin yan parang awa nyo na, wag. May namatay na ba ng dahil sa laser surgery? Kung meron amf wag nyo narin sagautin ang tanong ko! :?
Duwag kasi ako pag dating sa mga medical na bagay. Kaya nga di ako nagdoctor o nagnurse o medical tech. Di kinakaya ng sikmura ko ang mga operasyon na napapanood ko lang sa rescue 911 nung dati, what more pa pag totohanan na. Umatras nga ako dati sa reconstructive surgery na gusto ipagawa ni mama sa isang parte ng katawan ko. Tipong andun na kami sa hospital, ako na susunod, sa tagal ng pag-iintay ko, ang dami ko na tuloy naisip biglang umatras ako. Sayang edi sana perpekto na ako ngayon (ano daw?!?!)

At eto nga natatakot ako dahil wari ko mag-isa kong haharapin ang mga mangyayari bukas. Wala si J. Wala si mama (alaga kay Fiona), wala ang mga kapatid at pinsan (bat kasi may mga sore eyes kayo mga adik kasi, amf!)

Anong sakit ko? Ewan. Ano bang malay ko sa embulus at thrombus ekek na yan (tulungan nyo nga akong magexplain mga kaibigang inclined sa sining ng medisina) basta ang alam ko laging masakit ang ulo ko. Na gusto ko na lang sumabog ang utak ko sa sobrang sakit. Kung pwede lang iwan ang utak sa isa lapag At madalas lumabo ang mata ko, nagiging paralisado rin ang kalahati ng mukha ko, at minsan nahihilo na akala ko’y dahil lang sa pagod. Na winawalang bahala ko kung minsan hanggang sa hinamatay na raw ako sa sakit nung Martes ng umaga habang papunta ng grocery.

May pinaiinom sa aking gamot at eto na nga, minadali na nila ang schedule ng operasyon ko. Dapat nga mas maaga kaso inipon ko muna ang kapalmuks powers ko para makapangutang sa mga tiyo at tiya ko. Ang mahal kaya nito! Buti sana kung enjoy din to pero hindi e, hindeeee.

Sinasabi ko nga sa sarili ko dengue nga kinaya ko bat ito hindi? Kabado talaga ako na kahit nagpupumilit na akong magpatawa o tumawa di talaga ako makangiti ng tama. Sana kasi may words of encouragement from friends and love ones. E asan ba kasi kayong lahat? :cry: -feeling abandonada-

9 Responses to “Protected: Kabado at Nalulungkot”

  1. same here nung nag burst ang veins ko sa mata, hindi sore eyes ha kasi hindi naman itchy…anyway i utot mo lang yan baka naman kabag lang yan…relaks..may sense ba…just dont let the fear eats you..yun lang kasi ang nag po feul ng kung ano anong anxeity…all will be for good..

  2. wag ka po magalala magiging ok ang lahat
    ^_^ :)

  3. mam kaya mo yan! ^_^ yun ngang panganganak nakayanan mo eh, laser surgery pa. :D God Bless, ipagpra-pray ka namin. :oops:

  4. Whoa. Parang nakakatakot nga sa pagkakakwento mo palang. Teka, anong diagnosis ng doktor? Chaka san ka ooperahan?

    Yung thrombus, blood clot yun na namuo sa loob ng vein. Usually ang thrombus nabubuo yan sa lower legs, pero kahit saan pede. Yung embolus naman, blood clot din yan pero nag-travel na siya sa bloodstream at kapag napunta yan sa puso, baga, o utak, nakakamatay yan. Pedeng heart attack o brain attack ang labas (sorry, hindi sa tinatakot kita, fact lang po. :(). Hindi ko kasi alam kung ano problema,. Pero sabi mo sobrang sakit ng ulo mo, napaparalyze minsan yung isang part ng muka mo, chaka lumalabo mata mo, ibig sabihin tumaas yung presyon sa loob ng utak mo. O kaya may tinamaang cranial nerves. (I-Google mo na lang kung wala kang naintindihan sa mga sinabi ko. Hehe.)

    Nakakatakot talaga ang kahit anong klase ng surgery. Ok lang yan malalampasan mo rin yan. Ipa-explain mo lang ng mabuti sa surgeon mo kung ano gagawin sayo para ma-lessen ang anxiety mo. Ipapagdasal kita.

    JOIZ:
    Thanks Roanne learned something new about brain activities and blood clots’ other names. Hay mali pala spelling ko ng embolus ahehe

  5. waaaaa!
    if i were you, i’ll go for the operation ..
    it’s for your own good po miss joiz ..

    well, God Bless you po!

  6. basta mama joiz… dito lang kami para syo. di ka namin iiwan. think positive… gagaling ka… kung baga sa mga bata… parag kagat lang yan ng langgam… we’re here fr you… :) ;)

  7. Sana sinabi mo kagabi edi sana sinamahan kita kanina kung wala kang kasama. Di naman magagalit bf mo siguro. Saka may pinagsamahan din naman tayo diba. Magpabaskog ka hon. Dalawin ka namin ng buong banda pagmaayo ka na. Rakrakan tayo dyan. Miss you

    JOIZ:
    Tsong.. Kolokoy ka gyud na hon hon ka pa dinha. Umayos ka ha. Private concert ba ito? Pwede!! :woohoo:


  8. detoxified_alipunga
    Jul 27 2007
    12:48 am

    So it is true! Nastroke ka nga? Our poor baby! Why was I not informed? Sa susunod unahin mo ung nasa pinaka ilalim ng phonebook mo ha, dala-dalawa cp di ako nasabihan first hand tsk kay kimberly ko pa malalaman. Get well soon peach. You know naman we’re always here for you, malayo man ang marating babalik parin para sayo. cue music: “kay tagal mo mang nawala babalik parin… babalik…”

    Joiz:
    Nawiwindang ako sayo pare ang kulet nung kanta talaga naman…

  9. Daghang salamat sa lahat ng dasal nyo. Na touch naman daw ako. Sensya di ako makatulog kaya weto sinisilip ang mga comments nyo… ^_^

Leave a Reply


:mrgreen: :| :twisted: :arrow: 8O :) :? 8) :evil: :D :idea: :oops: :P :roll: ;) :cry: :o :lol: :x :( :!: :?: