Natatakot ako, sobrang balisa at sobrang nagwawala ang utak ko na umatras na ako sa mangyayari bukas ng umaga. Takot ako sa kahit anong opera, mapa laser man ito o ano pa. Dahil narin siguro di ako sanay sa hospital (kahit suki na nila ako dati pa, di talaga ako natutuwa pag ako ang pasyente).
Kabado ako dahil maliit pa naman ang anak ko para maintindihan kung anong mangyayari (isang kiss at hug for mommy, solb na sana kaso gets kaya nya?) at ung isang taong gusto kong karamay habang mangyayari ito hindi ko macontact. Takot akong tawagan sya, dahil di ko rin alam ang sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nya. Hindi ko alam kung may pakialam sya. Punyemas. Kabado na nga ako, lalo pa akong kabadong i-approach sya. Teka para naman akong mamamatay nito. Wag nyo isipin yan parang awa nyo na, wag. May namatay na ba ng dahil sa laser surgery? Kung meron amf wag nyo narin sagautin ang tanong ko! ![]()
Duwag kasi ako pag dating sa mga medical na bagay. Kaya nga di ako nagdoctor o nagnurse o medical tech. Di kinakaya ng sikmura ko ang mga operasyon na napapanood ko lang sa rescue 911 nung dati, what more pa pag totohanan na. Umatras nga ako dati sa reconstructive surgery na gusto ipagawa ni mama sa isang parte ng katawan ko. Tipong andun na kami sa hospital, ako na susunod, sa tagal ng pag-iintay ko, ang dami ko na tuloy naisip biglang umatras ako. Sayang edi sana perpekto na ako ngayon (ano daw?!?!)
At eto nga natatakot ako dahil wari ko mag-isa kong haharapin ang mga mangyayari bukas. Wala si J. Wala si mama (alaga kay Fiona), wala ang mga kapatid at pinsan (bat kasi may mga sore eyes kayo mga adik kasi, amf!)
Anong sakit ko? Ewan. Ano bang malay ko sa embulus at thrombus ekek na yan (tulungan nyo nga akong magexplain mga kaibigang inclined sa sining ng medisina) basta ang alam ko laging masakit ang ulo ko. Na gusto ko na lang sumabog ang utak ko sa sobrang sakit. Kung pwede lang iwan ang utak sa isa lapag At madalas lumabo ang mata ko, nagiging paralisado rin ang kalahati ng mukha ko, at minsan nahihilo na akala ko’y dahil lang sa pagod. Na winawalang bahala ko kung minsan hanggang sa hinamatay na raw ako sa sakit nung Martes ng umaga habang papunta ng grocery.
May pinaiinom sa aking gamot at eto na nga, minadali na nila ang schedule ng operasyon ko. Dapat nga mas maaga kaso inipon ko muna ang kapalmuks powers ko para makapangutang sa mga tiyo at tiya ko. Ang mahal kaya nito! Buti sana kung enjoy din to pero hindi e, hindeeee.
Sinasabi ko nga sa sarili ko dengue nga kinaya ko bat ito hindi? Kabado talaga ako na kahit nagpupumilit na akong magpatawa o tumawa di talaga ako makangiti ng tama. Sana kasi may words of encouragement from friends and love ones. E asan ba kasi kayong lahat?
-feeling abandonada-







