Waiting is painful. Forgetting is painful.
But not knowing which to do is the worse kind of suffering.
~ Paulo Coelho
Minsan ba napagkamalan ka na o napag-isipan na bakla? O Tomboy? O worse, both and simultaneously?
Madalas akong mapagkamalang totomboy tomboy nung bata pa ako, pano naman kasi mga kababata ko puro lalaki, sa pamilya ko, ako lang babae (maliban sa aking ina), at napapansin nilang magaspang daw ako kumilos, feeling siga kasi nga mga siga rin kasama ko.
Nung high school, di ako marunong ‘manamit babae’ at magpaka kikay. Habang ang ilang mga kaklase ko, ang liliit ng blouse, at mga palda, matching padamihan ng ruffles and laces at kung ano ano pang borloloy, ako namang kuntento na sa tshirt, maong at rubber shoes. Hindi ko talaga nakita ang sarili ko na isang babaeng kaakit akit nung high school (insecure-ness ang drama ko).
Pero woiiiii may crush crushan ako noh. Si Christian (ayan nyemas inamin ko na ha). Grade 5 pa lang ako crush ko na sya dahil ang galing nya kumanta. Bagama’t magaspang umasta, may pusong babae rin pala. Ilang beses na akong napahamak dahil sa crush-crush na yan. Madami akong naging crush pero yung si Christian, siya ang ‘pers lab ku’ (ahuy kinilig ang mga bakokang dyan). May nangyari ba sa crush crushan ko? Wala! Di naman ako nag-boyfriend nung high school noh, behave ata to. At wala narin ako care kay Christian, malay ko ba kung buhay pa yan. Bwahahaha
Maski nung unang tungtong sa college, napagkamalan na naman ata akong tibo ng mga blocmates ko. Na-alala ko pa nung isang beses sa kain trippings ng bloc may hinirit si jec nung nagkatanungan kung may mga bf/gf na ang mga tao sa bloc namin (eh nung mga panahong ring yun wala akong bf at feeling ko wala pa akong muwang sa pag-boboyfriend) tama bang sabihin “nagboboyfriend ka ba? kala ko tibo ka.” Punyeta! Oh hindi! Not again! Nakakaloka ito, ayan redundant tuloy! Pigilan nyo ko masasapak ko to, pigilan nyo ko!
Pero unti unti nung college ako, natuto akong manamit babae, natuto mag-ayos ng konti. Marunong na ako gumamit ng powder at lip gloss at di kalaunan, ang lip gloss ay napalitan ng lipstick + lip butter; ang powder napalitan ng concealer, foundation, compact power, blush on, at minsanang skin bronzer. Oh diba? Kikay ka joiz!
At habang nasa puder ako ng pang nth (7th ata yun?) na mga housemates ko, dun ako nasimulang natatawag na bakla. Parang instant shift ito! Isang iglap ay the baby is now a bakla, hindi lady e, bakla. Shet.
Walang halong pangungutya sa mga bakla ha! Baka ma-offend kayo, wag naman po. Enjoy kasama ang mga bakla, pwera lang si vivi na medyo lahat ata ng naging boyfriend ko nung college, tinikman at gusto tikman! ewwww! erase erase erase, ayoko imaginin ay joz ko erase!
Fast forward tayo sa present… Madalas parin ako mahiritan na bakla ngayon (ung tipo na pag humirit ako ng may halong kerengkeng, bakla na agad ako) at kung magsalita raw ako at kung umasta minsan ay parang bakla. Pero tingin ko di naman ako bakla, sadyang may pagka-boisterous lang ako (on a case to case basis lang naman, saka paano ako magiging si joi kung di ako joyful? bwahaha ang kulit) at baket, kailangan ba maging mahinhin para ma-classify na babae? Hallers… Saka paano naman di matututo sa gay lingo noh, ang sarap magbasa ng mga out na gay blogs. Mawiwindang ka muna sa umpisa pero masaya talaga pag medyo nalulungkot ka na. Ayun absorb con todo tuloy ang mga expressions nila. Minsan lang nga, parang di bagay sa akin or sa situatioin kaya nilulugar ko naman! Pihikan parin kung kanino ko ilalabas ang pagka-’bakla’ ko.
Pero hindi parin nawawala ung tinatawag akong tibo. Madalas yan ngayon pag may nahihirit akong “ang ganda nung chic pare” sa kabarkada ko habang nasa mall kami, ako pa raw talaga ang unang nakakita. O kaya may ipapakita akong friendster profile ng isang provocative na babae sa kausap kong katropa sa ym (tapos hihiritan ko pa ng “crush ko sya! weeeee” hala mawiwindang na ang kausap ko sa ym! “joooizzzz makikipag-agawan ka pa sa amin ah, wag ganun sis!”). O kaya nakikipagflirt daw ako sa mga babae sa webmasters forum (o ang maniwala shunganga, basta friends lang kami nung mga babaeng yun kaya ganun kami, magselos pa si J nyan e). O kaya naman habang nanonood ng kama sutra o kung anong x-rated video (oo nanonood din ako non minsan) may mabblurt out ko na lang “beb, ang ganda nung boobs nung girl oh, at ang kinis ng legs!”, naku asahan nyo na tataas ang kilay ng Jumong at itatanong, “hala teka naging tibo na ata gf ko?” Ma-insecure raw ba sa babae? Isasagot ko naman, “sapak gusto mo? haha kung tibo ako beb, e ano ka bakla para patulan kita? Kagatin kita dyan e” at kung pwede matching kiss pa sana yan para cute. Uyyy kileg… Kiligin raw ba? Bakla ka talaga joiz.
Haaaay … Si joiz, bakla ba o tomboy?
Nang minsan akong nangapitbahay sa kabilang village, kasama ko si kim at si maki sa bahay nila, nasabi ko out of nowhere, bat ang lahat na lang ng taong kilala ko, matamis ang lovelife, ako hindi.
Minsan talaga mahirap ang long distance relationship pag nawawala-wala ang communication nyo. At kahit may tiwala ka sa taong mahal mo, minsan di mo rin talaga maiwasan ang magworry at mainsecure kung ikaw pa rin ba at ikaw lang talaga ang mahal ng taong mahal mo.
Ganun na lang ang hirit sa akin ni Maki. Aba teka paano mo naman nabasa ang nasa utak ko? Ganun na ba ako ka-transparent? Waaah so scary ah.
Itong week na ito, hindi na naman kami nag-uusap. Pinasahan mo na ng load para man lang makapag unlimited kwentuhan kayo for the whole day, nung unang oras lang sya nagtetext tapos di na nagrereply nung buong gabi (o sige na, napagod na sa work). Tapos kagabi dapat tutungo ako ng swimming, tumatawag ako para magpaalam at para ayain syang sumama, di sinasagot ang telepono tapos cannot be reached na nung bandang huli. Letcheng telepono yan, itapon na yan! Sunugin!
Minsan di mo maiwasan mag-isip na ginagago ka na naman nito tulad ng ibang naunang gumago sayo. Mapapaisip ka ng masama para matabunan ung kirot ng galit. Tapos hihikbi sa tabi dahil ung galit naging mas ma-anghang na sakit. Kasi naman kung ano ano pa ang inisip. Tila bagang nasugatan ka na, ang hilig mo pa kalikutin ung sugat kahit na dugo dugo na at masakit na, na parang di ka pa nakuntento sa naunang sakit ng pagkakasugat. Hala sige kalikot pa para lang malaman mong di ka pa manhid. Para alam mo lang na nasasaktan ka pa rin pala. Imbyerna.
Tulad na lang ng pagkalito ng ibang tao sa totoong sexual orientation ko, ako’y naguguluhan kung saan ilulugar ang sarili ko sa buhay mo. Tulad ng pagkaasar ng mga tao pag nauunahan ko silang magpapansin sa crush nilang babae, nababanas ako na hindi mo ko ata ako namimiss, ni hi ni ho wala akong natatanggap sayo, hindi ko alam kung nakalimot ka lang at namanhid o sawa ka ng talagang kausap ako. Tulad ng pagkabalisa ng mga katropa ko pag nagbabakla baklaan ako, hindi ako mapakali malamang kung kamusta ka na, kung nasa maayos ka at kahit bad trip ako e gusto parin kita makausap para malamang ok ka lang kahit di ka apektadong namimiss na kita. Kaya sana lang bumuka ang langit at ipaalala sayong may mapagmahal na gf kang nag-iintay at naiimbyerna ng sampalin ka dahil sa pagkamanhid mo. matching kiss uli para cute. potah ang landi! kurutin sa singet uhmp!
Sa totoo lang, nalilito na rin ako, ano ba talaga kuya? May iniintay ba ako o wala? Butiki o baboy na lang kaya?
Minsan talaga mahirap ang long distance relationship pag nawawala-wala ang communication nyo. At kahit may tiwala ka sa taong mahal mo, minsan di mo rin talaga maiwasan ang magworry at mainsecure kung ikaw pa rin ba at ikaw lang talaga ang mahal ng taong mahal mo.

hi joiz! apir tayo sa pagiging bakla / tomboy / langit / lupa na yan 






