Ayoko Muna Maging Pinoy

September 14 2006 - Thursday - 1:20 am

Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Pilipinong totoo

Isang daang porsyento akong Pilipino. Ipinagmamalaki ko yun. Saan ka makakakita ng sobrang saganang likas na yaman at sobrang makulay na buhay kundi dito sa Pilipinas. Sikat tayo dahil sa mga magagandang tanawin natin, mula sa mga matataas na bundok, malalawak na disyerto, saganang kakahuyan, malalalim na mga kagaratan… Ang pagkain, kultura, produkto… melting pot tayo ng mga kultura ng iba’t ibang nayon, lalawigan at ibang bansa…

Sa kahit anong parte ng mundo may pinoy na naroon. At kung sakaling mawala ang mga pinoy, malamang hihinto ang buong mundo. Mawawala ang mga domestic helpers na nagkakandaugagang alagaan ang ibang pamilya para lang mabuhay ang pamilya sa ating bansa, mawawala ang mga professionals na marami nang na-contribute sa mga matataas at magagarang kumpanya ng mga foreigners. Mawawala ang mga talented nating singers, dancers, at actors na nagbibigay entertainment sa buong mundo.

Pero bakit ganun, tayo-tayo na lang, nagkakalokohan pa. Tayo tayo na lang, nagkakasiraan pa, nagpapayabangan, naggagaguhan, nagkakalokohan. Ganito na ba talaga kalala ang mga pinoy? Sariling atin nagkakalasunan? Anong petsa na?! Crab mentality parin ba tayo hanggang ngayon?

Kapag nakakakita akong ng gulo na may kasamang laitan at payabangan, nahihiya ako para sa inyo. Hindi ako nagmamalinis, oo gago rin ako (iresponsable, sira ulo, tanga, lahat na!) pero iniingatan ko naman na wala akong matapakan sa pag-akyat ko, wala akong masirang tao ng dahil sa pag-asenso ko.

Kani-kanina lang nandun ako sa paborito kong forum. Bat ko naging paborito? Kasi puro pinoy ang nandun. Kasi may unity, kasi dun ko nakita na kayang maging payapa ang mga pinoy, nagkakaigihan ang mga tao, isang buong pamilya. Kaso may bagong nanyari ngayon, nakita ko ang isang gulo na hindi na dapat lumaki kung nagpakababang loob sana mga tao dun. Ang kaso nagpataasan pa sila. Tanungin ko nga kayo, masaya ba taas kung ikaw lang mag-isa?

Sasabihin nyo, online lang naman to, ang drama ko naman. Anong petsa na? Eto na ang panahon at henerasyon kung saan ang online at offline ay parang iisa. Kaya wag nyo sasabihin na hindi nagrereflect kung sino kayo offline sa kung ano mang ang mga pinanggagagawa nyo online. O nagpapanggap kayo online? Tipong ibang tao kayo sa internet world? Pasensya na po ha, kung sino ako online ganun din ako offline kasi ito na ang mundong ginagalawan ko, nakagisnan, nakasanayan.

Nahihiya ako para sa inyo. Tayo tayo na lang ang nandito, tayo tayo na lang ang dapat magkakasangga, magulo parin? Wala man ako nung naganap ung gulo, kasimple simpleng bagay pinalaki nyo ng pinalaki. Nilait nyo pa ang isa’t isa. Ako ang nahihiya para sa inyo.

Kung hindi nyo aayusin yang gulo nyo, kayo ang patunay na walang pupuntahang maayos ang mga pinoy. Pessimist na kung pessimist. Naiirita lang talaga siguro ako ngayon at disappointed ako sa inyo. Tanungin nyo na lang ako bukas pag lumamig na ulo ko. Sa ngayon, ayoko muna maging pinoy.

9 Responses to “Ayoko Muna Maging Pinoy”

  1. idol! anong nationality mo na ngayon? :mrgreen:
    sana lumamig na ulo mo at maisip na ok parin maging pinoy. kailangan ka namin sa panig na ito. mature people naman siguro sila, magkakaayos din yang gulong yan. sang forum ba yan lola?

  2. hahaha… ngayong binabasa ko tong post ko, I feel so engots hahaha…

    oh well, one piece lang katapat nito… :lol:
    thanks for dropping by nga pala mekene.

  3. ano ka ba.. sarap kaya maging pinoy noh.. hahaha

  4. naks nman,,,now pinay u na ulit joiz..ala noypi ehh kaya d2 muna ko tambay sayo..pwede pabasa ng mga ehem mo…

  5. asus sempai, mainit lang ulo ko. kasi kasi kasi… hehehe

    sige lang kuya raffhy (hahaha! kuya!)… anong ehem?

  6. naks…kuya ha!!!oks lang 25 na ko ewww….mga ehem mo…..mean mga talentado mong saloobin nyahahahaha…parang noypi ah…la ko matambayan eh…lagay u ng arcade d2 joiz…toinkzzz…tanong ko sagutin mo PINAY ka na ulit???..

  7. pinay naman talaga ako, no denying it. 25 is young pare. arcade?! hahaha maayos din ni kuya apollo yung server intay lang kayo… :mrgreen:

  8. Sigurado ako pinay ka na ulit ngayon. Wala pa rin ang noypi. Pero ok lang yun, at least natigil muna ang away nila. Pero tinira si tata sa kabilang blog. Sabihin mo lang ulit kung hindi ka na pinoy, sabay ako :twisted:

  9. nyahahahahahahahaha! :mrgreen: sige sasabihan kita ehhehehe

Leave a Reply


:mrgreen: :| :twisted: :arrow: 8O :) :? 8) :evil: :D :idea: :oops: :P :roll: ;) :cry: :o :lol: :x :( :!: :?: