Ako’y Sabog -Baw-

October 15 2006 - Sunday - 3:32 am

Haaaaaaaaaay kakatapos ko lang panoorin uli ang Windstruck, sa mga hindi nakakaalam, Korean movie sya na love story. Pero di na ako magkukwento tungkol dyan, iipunin ko na lang yan para sa article na isusulat ko. Ngayon, tulog na ang anak ko, wala na akong projects na aasikasuhin, iniintay ko pa ngayon ang mga sagot ng mga nagpapagawa sa akin.

Eto ngayon sabog na sabog na ako… Kulang sa tulog, hindi makatulog, ayaw matulog… ewan ko ba… ganyan ako. Hehehe.

Nung Sabado, tinopak ang Macky at dinala kami kung saan saan. Sa San Miguel, Malolos (oh shucks flashbacks! trauma! hahahay), Hagonoy, San Fernando, Lubao (hamisyo bajorg!), Balanga, Orion, Limay, Mt. Mariveles, Subic… Grabe dapat malayo layo pa sana aabutin namin (Baguio! Ilocos! Zambales! asar naman e! Gusto ko dun!) kung hindi lang nagkasakit ung isa dyan at nag-iinarte ang tyan, hay wawa naman. Magaling na kaya si B? :(
Pero sayang gusto ko talaga makabalik ng Baguio… High school pa ako nung huling punta ko roon! Nakakaawa naman ako. Tapos yung Iloco empanada ko… haaay sarap sarap! Si mama pinagtripan ako, Bohol daw… 500 (plus tax ata) lang kasi ang tickets sa Cebu Pacific.. Sarap sana! Kaya eto pinag-iisipan ko pa kasi busy talaga schedule ko nitong October.

Tennis naman tayo. Waaaaaaah lasog lasog na katawan ko sa training namin, pagkatapos na pagkatapos ng apat na araw na bakasyon, eto naman… Patakbuhin ka ba naman ng limang beses around the tennis courts. ilang courts yun, lima, tapos limang beses around them? *hilo*

May tama ang ilong ko, as in sugat! nasiko ako ng isa dyan nung isang araw habang nagppractice sa mats at muntik ng mabali ang ilong ko. Ayun ang daming dugo. Grabe anemic na nga ako, binawasan mo pa lalo dugo ko, kagatin kaya kita K? Pero pramis masakit sya, tagpasin mo na nga yang mga sikong yan K, asar ka e. juklang! labsyu hehe

Ang hirap magmoderator ng forums… kaya lagi akong online pag gabi kaso parang ubos oras lagi hehehe lalo pa’t madami rin akong gawaing bahay maliban dito sa mga extra curricular activities ko.

Speaking of forums… Kung ikaw ay webmaster, designer, developer, seo, or whatever, kailangan ka namin dito! www.webtalkforums.com asteg dyan, ang kikay ng template ang kyut kyut tapos asteg din ang mga tao! English forum ito ha, remind ko lang. Pero masaya talaga :D
At speaking of forums uli… Ang tagal naman ng noypi haaays… Miss ko na ang buong pamilyang makukulit… Yung eb tuloy ang kaso ibigay nyo dapat sa akin ang contact info nyo kung interesado kayong sumama para makapag coordinate kayo sa akin! Aba’y kung konti lang kami edi waw, mainggit kayo hehehe joke!

Kakausapin ko uli si fafa -juan- to ask for details at kung pwede magpaskil sya ng announcement sa temporary main page ng noypi.

at Hoi mga NOYPIANS! ini-invite namin kayo ni tata weblord, sign up kayo… Pinsan ng noypi.org… www.nabaza.info join na kayo para naman may lunga tayo!

Pag natapos daw ang tourney at nanalo ako, magsswimming raw kami sa Nasugbo. Waaaaah excited na ako, sana lang talaga manalo. Hirap kasi. Chamba chamba lang talaga. Haaaay.

Gusto ko sana maglaro ng counter strike kaso nahihilo na ako… Adik na ako talaga.. Alas tres y medya na (umaga ha)… pasensya na walang pinatunguhan ung post ko hehehe. Saka na ako magppost ng may katuturan, mahirap magpanggap na matino bwahahahahahahahahaha

One Response to “Ako’y Sabog -Baw-”

  1. pano ka hindi masasabog, kulang na lang hindi ka matulog nung nakalipas na anim na araw! nasa bakasyon internet parin inaatupag! pagkatapos ng bakasyon binogbog sarili sa tennis trainings! tapos ung practices pa natin sa dojo! tapos nag-aalaga pa ng bata! tapos nagagawa pang maglaro ng counterstrike instead na matulog! tapos ung mga raket pa nyang hindi ko magets! magpahinga ka naman! nakakatakot ka na eh baka ma-ospital ka na naman nyan sa pagiging workaholic mo!

    sorry po talaga! :cry: di ko naman sinasadyang mapukol ilong mo! naspecial mention pa talaga ako :cry: :cry: :cry:

Leave a Reply


:mrgreen: :| :twisted: :arrow: 8O :) :? 8) :evil: :D :idea: :oops: :P :roll: ;) :cry: :o :lol: :x :( :!: :?: